You are here

Hacienda Luisita is Aquino’s Interest while Bonifacio Global City is Cayetano’s

Alam Nyo Ba Kaalaman 

Ang Hacienda Luisita sa Tarlac Province ay may lawak na 6,453-hectares. Ito ay kasing laki kung pagsasamahin ang Makati City at Pasig City.  Kaya ganun na lang kung protektahan ng Aquino-Cojuangco ang interes nito sa hacienda na huwag ito maibalik sa mga magsasaka.  Maraming nagsasabi na ito ang unang layunin ng Aquino-Cojuangco kaya sila pumasok sa pulitika.

Ang Taguig City naman sa National Capital Region (NCR) ay balwarte ng mga Cayetano.  Kasama sa Taguig City ang “booming business district” na Bonifacio Global City (BGC) na pinoprotektahan ng mga Cayetano ang interes nila sa naturang lugar at gagawin ang lahat huwag makuha ng Makati City.   Ang BGC kasi ay bahagi ng Makati City ayun sa lumang mapa at Presidential Proclamation No. 2475 ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.  At ito ay ipinaglaban ng mga Binay sa korte (READ MORE: Taguig mayor to Binay: Don’t rush BGC takeover).  Kaya maiintindihan natin kung bakit, sa Senate Hearing, si Senator Alan Peter Cayetano ay numero unong kritiko ni dating Vice-President Jejomar Binay.

Isa pa, si Cayetano ay walang permanenteng kaalyado sa pulitika.  Kung sino ang naupong pangulo ay duon siya kampi.  Kaya noong 2016 Election ginawa ni Cayetano ang lahat huwag lang mahalal si Binay bilang pangulo.  Matandaan din, noong 2013 election, maka-Aquino at Liberal Party si Cayetano.  Tapos ngayon, kalaban na niya ang Liberal Party.

Marami din ang nagsasabi na di mapagkatiwalaan si Cayetano dahil isa siyang kilalang “balimbing” sa pulitika at ang unang layunin niya sa pulitika ay protektahan ang interes nila sa BGC na huwag ito maibalik sa Makati City.  Kaya di makakasiguro na kung sakaling maging pangulo si Leni Robrero, na isang membro ng Liberal Party, ay solid Duterte pa rin si Cayetano.

Please like & share:
.

Related posts

Share din para malaman ng iba. Salamat!