You are here

Davao City bombing, a retaliation of Abu Sayyaf

Balita 

Ang pagpasabog ng bomba sa Davao City noong September 2, 2016 ay gawa daw ng bandidong grupo na Abu Sayyaf ayon sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.  Ito ay ginawa ng bandidong grupo para gantihan ang gobyerno sa patuloy na pag-atake ng mga sundalo sa Abu Sayyaf sa Sulu.

Ito rin ang sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte, anak ni Pangulong Duterte, sa CNN Philippines:

“The Office of the President texted and confirmed that was an Abu Sayyaf retaliation. For the city government side, we are working on that it is an Abu Sayyaf retaliation”

Pero sa kabila ng mga pangyayari, di natitinag ang Davao City mayor at ang pangulo.  Ipagpatuloy pa rin daw ng pangulo ang pakikipaglaban sa mga terorista sa Sulu.

 

 

Please like & share:
.

Related posts

Share din para malaman ng iba. Salamat!