You are here

Benham Rise, a part of Philippine territory or not?

Alam Nyo Ba 

Ang BENHAM PLATEAU o BENHAM RISE ay isang undersea region na nasa east ng Luzon.  Nasa kanan kung nakatingin ka sa mapa natin.  Ito ay isang extinct volcano ridge na nasa layong 250 kms mula sa Dinapigue, Isabela. Malamang daw ay ipinangalan ito kay Admiral Andrew Ellicot Kennedy Benham, isang U.S. Navy Officer.

Pero kahit malapit ito sa Pilipinas, hindi ito kasali sa Philippine territory.  Kaya noong 2008, naghain ang Pilipinas ng partial territorial waters claim sa UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea).  At inaprobahan naman ng UN ang claim noong APRIL 2012.  Kaya ang Benham Rise ay parte na ngayon ng EXCLUSIVE ECONOMIC ZONE (extended continental shelf) ng Pilipinas.  Pero hindi ito parte ng Philippine territory.  Magkaiba po iyon.  Ibig sabihin, ang Pilipinas lang ang may karapatan na mag-explore sa area, mag-ahon ng natural resources mula dito at magtayo ng structures sa lugar.  Pero hindi ito parte ng Philippine territory.

CONTROVERSY SA SOCIAL MEDIA

So, bakit ba maingay ang mga “experts” ngayon? Kasi nga, merong namataang Chinese vessels na umaaligid dito.

Ang sabi ng China, dumaan sila sa area ng Benham Rise dahil meron namang daw principle of
“freedom of navigation” and “right to innocent passage.”

Ang tanong, innocent nga ba? Baka may binabalak na naman ang China.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, mukhang hindi naman daw ”innocent passage” ang ginagawa ng Chinese vessels dahil nagtatagal daw ang mga ito ng ilang buwan.

Pero kamakailan lang ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may pahintulot daw niya ang “exploration” ng China dito.  At ito ngayon ang binabatikos ng mga anti-Duterte dahil may nilabag daw na batas si Duterte dahil pumasok daw ito sa isang kasunduan na hindi alam ng gabinete niya o ninoman.

Pero depensa ng mga Pro-Duterte na hindi parte ng Philippine territory ang Benham Rise at research vessels lang naman ang mga ito at hindi naman nag-intrude sa Philippine TERRITORIAL waters.

Ayon pa sa Chinese Foreign Ministry spokesperson, “I wish to reiterate that China fully respects the Philippines’ rights over the continental shelf in the ‘Benham Rise’ and there is no such thing of China challenging those rights.”

MORE INFO:
1. Duterte: China allowed to survey Benham Rise

2. China: We respect Philippines’ rights over Benham Rise

3. Expert explains why Benham Rise isn’t Philippine ‘territory’

Please like & share:
.

Related posts

Share din para malaman ng iba. Salamat!