You are here

2015 Epal Award Nominee – Certificate of Vaccination

Batikos Epal Awards 

Nagpadala ng nominado ang isang boss natin para sa 2015 Epal Award ng Boss Ng Pilipinas.  Ito ay tungkol sa Certificate of Vaccination ID ng Anti-Rabies Task Force ng Quezon City.  Ayon sa boss na nagpadala, sobrang laki daw ng mukha at pangalan ni Councilor Karl Castello na halos 1/4 na ng ID ay nasakop nito.  Mas malaki pa nga daw sa 1×1 ang picture ng councilor.  Dapat daw maisama ito sa mga nominado ng Epal Award dahil dapat ang ilagay lang daw ay pangalan at signature ng councilor sa ibabang bahagi ng ID.  Mas maganda daw kung sa likod ng ID.

Mga boss, comment lang kung gusto ninyo itong maisama sa Top 15 Epal Awards of 2015.  At kung may gusto pa kayong i-nominate, paki hashtag lang ng #2015EpalAward sa larawan na nakikita nyo sa social media, facebook o twitter.

Certificate of Vaccination
Certificate of Vaccination
Please like & share:
.

Related posts

Share din para malaman ng iba. Salamat!